“ANG HULING MAMBABATOK"
Documentary by Kara David
Isa sa pinakaiingatang sining ng Kalinga ay ang paraan nito ng pagta-tattoo na tinatatawag na pagbabatok. Kung babalikan ang ating kasaysayan, isa ito sa ating ipinagmamalaking sining. Ang kanilang sining sa pagta-tattoo ay masasabing natatangi dahil ito ay nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon. Ayon sa kasaysayan, mahigit isang libong taon na ang kasanayang ito. Ginagamit ang pagta-tattoo bilang isang “rite of passage" sa mga babae bago sila ikasal at simbolo naman ito ng katapangan at kagitingan para sa mga lalaki. Kahoy ang pangunahing ginagamit upang maitatak ang sining na ito sa balat. Si Whang Od, sa edad na 89, ang natitirang mambabatok o tattoo artist ng Kalinga. Ngunit dahil sa dalang pagbabago ng modernisasyon unti-unti nang nagbabago ang pagtingin dito ng mga tao.
Naglalaho na nga ba ang sining ng pagbabatok sa Kalinga? Sa pagkawala ni Whang Od tuluyan na nga bang maglalaho ang isang kultura’t tradisyon na dati ay simbolo ng katapangan? Sa darating na Lunes samahan si Kara David upang masaksihan kung ano nga ba ang kahihinatnan ng kultura’t sining ng pagbabatok ng Kalinga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento