Miyerkules, Enero 16, 2013

PAMBANSANG BAYANI!!

ANG ATING PAMBANSANG BAYANI AY SI DR.JOSE RIZAL
ITINURING SYA BILANG ATING PAMBANSANG BAYANI  DAHIL SA KANYANG KATALINUHAN AT KATAPANGAN.

MARIA CHRISTINA FALLS!!!

MARIA CHRISTINA FALLS
ISANG TALON SA PILIPINAS NA MATATAGPUAN SA LALAWIGAN NG MINDANAO SA ILIGAN MAARING MAKAKUHA NG KURYENTE ITO AY DINADAYO RIN NG TURISTA.

BORACAY!!!

BORACAY

ISANG POOK NA PINAPASYALAN NG ILANG MGA TURISTA. 
SAGANA ITO SA TURISMONG HATID NG MGA "FOREIGNER".

Martes, Enero 15, 2013

SINAUNANG PARAAN NG PAGTATATOO!!!


“ANG HULING MAMBABATOK"
Documentary by Kara David



Isa sa pinakaiingatang sining ng Kalinga ay ang paraan nito ng pagta-tattoo na tinatatawag na pagbabatok. Kung babalikan ang ating kasaysayan, isa ito sa ating ipinagmamalaking sining. Ang kanilang sining sa pagta-tattoo ay masasabing natatangi dahil ito ay nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon. Ayon sa kasaysayan, mahigit isang libong taon na ang kasanayang ito. Ginagamit ang pagta-tattoo bilang isang “rite of passage" sa mga babae bago sila ikasal at simbolo naman ito ng katapangan at kagitingan para sa mga lalaki. Kahoy ang pangunahing ginagamit upang maitatak ang sining na ito sa balat. Si Whang Od, sa edad na 89, ang natitirang mambabatok o tattoo artist ng Kalinga. Ngunit dahil sa dalang pagbabago ng modernisasyon unti-unti nang nagbabago ang pagtingin dito ng mga tao.


Naglalaho na nga ba ang sining ng pagbabatok sa Kalinga? Sa pagkawala ni Whang Od tuluyan na nga bang maglalaho ang isang kultura’t tradisyon na dati ay simbolo ng katapangan? Sa darating na Lunes samahan si Kara David upang masaksihan kung ano nga ba ang kahihinatnan ng kultura’t sining ng pagbabatok ng Kalinga.

Lunes, Enero 14, 2013

HAGDAN HAGDANG PALAYAN?

ANO ANG HAGDAN HAGDANG PALAYAN?
Ang Hagdan-hagdang Palayan ay mga 2000-taong gulang na mga hagdanang-taniman ng palay  na nililok sa mga bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas ang karaniwang tawag dito ay "Ikawalong Kahangahangang Pook sa Mundo".



BAKIT KO GINAWA ANG BLOGSPOT?

Ginawa ko ang blogsite ko upang maipalaganap ang natatagong kagandahan ng ating bansa